Wednesday, October 05, 2005

my first tagalog post

lumabas ka
nararamdaman mo ba?
ang hangin
ang hangin
naririnig mo ba?
papaanong hindi
sigurado ako
sigurado ako
ipinagbilin ko
sabihin sa'yo . . .

ang buwan!
ang buwan!
pagmasdan mo . . .
nakikita mo ba?
tumugon ka . . .
diba nariyan naman
hindi ba makaya ng mga mata mo?
diyan ko ipininta . . .
lahat ng mga hinaing ko . . .

ang mga tala . . .
oo, ang mga tala!
ang kanilang kinang . . .
ang kanilang kinang
wala pa rin bang pumapasok sa gunita mo?
sabi ko sa kanila
liwanagan pa ang kanilang ningning
ako nakikita ko

mas magaganda sila ngayon
pinakiusapan ko sila

ang ulan . . .
ang ulan . . .
sana naman ngayon alam mo na
matuto ka namang makiramdam

pakiusap
nang tumigil na
nang tumigil na
sa kaiiyak ang langit

sa kaiiyak
dala ng kalungkutan
ko

dahil sa pangungulila ko

pangungulilang

dala ng kawalan mo

kawalan mo sa tabi ko . . .

ngayon

playing

pinaglalaruan mo ang isipan ko

bakit ba ang layo mo

nawawalan na ng saysay ang retorikang napag-aralan ko

ang makatang ipinagmamalaki ko,

nilunod mo

pag-ibig . . .

di ka pa ba nasusuka?

sa salitang pag-ibig.

bakit nga ba tila bato balani ang iyong kawalan

isang matirik na bangin

isang maitim na butas (blackhole)

tingnan mo ang nagagawa ng pamamalagi mo sa mundong ginagalawan ko

nasisira lahat-lahat ng mga naitago kong karunungan

nawawalan ng saysay ang mga sikretong akala ko'y ako lang ang nakakaalam

wala na

wala na

lahat ng mga tala'y sumabog na

supernova

and pangit

ang pangit

ng ginawa mo sa aking mga tula

sinira mo

sinira mo

hindi na ako makata

sakal

paano ba ang maging sira ulo?
sino ba ang makapagsasabi kung ano ang nararapat . . .
huwag mo paglaruan ang mga luhang automatik nang pumapatak
di yan iyo
huwag mo nang pakialaman ang dugong dumadaloy mula sa mga kamay ko
hindi ka naman nasasaktan

tol, masakit pala 'no?
ang masaktan ng hindi mo nalalaman
ng taong hindi mo naman kilala

mas masakit kapag hindi naman siya ang nanakit sa iyo
kundi ang sitwasyon
ang kalagayan

ngayong gabi iiyak ako
alam ko, iiyak ako
dahil sa kanya
isang estrangherong hindi ko kilala
nais kong makasama
makita
makausap
ngunit hindi maaari

dahil malayo siya
at nagkataon lamang
nagkataon

na nagkakilala kami
kahit malayo

malayo

Saturday, September 24, 2005

retorika

nais kong malaman mo na ngayon nabago na naman lahat
mga sandaling kasama ka ang tangi kong hinihintay
mga panahong di ka nakikita'y naglalaho lamang sa 'sang iglap
ngunit di kasinbilis ng pag-alis mo sa aking mundo

dahan dahan naman
ang iyong mga pag-iwan

Monday, August 29, 2005

blitzkrieg

sa unti-unti't pabago-bagong pag-inog at pagtigil ng sasakyan
dumadampi ang labi ko sa iyong balikat
kung maaari lamang makausap
nasabi na sana lahat

lahat-lahat